-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacañang na mauurong sa Marso ang pagpapatupad ng pagbubukas ng mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantione (GCQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng sa Marso 1 na maipatupad ang pagbubukas ng mga sinehan o kung kailan mayroon nang guidelines ang mga local government units (LGUs) kaugnay dito.

Ayon kay Sec. Roque, mahalagang mailatag muna ng mga LGUs ang mga patakaran lalo na ang isyu ng kapasidad sa loob ng mga sinehan.

Inihayag ni Sec. Roque na malinaw naman na hangga’t wala pang guidelines at hindi pa naitatakda ang kapasidad sa bilang ng mga taong dapat na payagang makapanood sa isang buong panahon ng pelikula, hindi pa talaga pwedeng buksan ang mga sinehan.