-- Advertisements --

Muling magkakaroon ng pagkaantala ang pagtatapos ng Metro Rail Transit Line 7.

Ayon kay Transportation Undersecretary Jeremy Regino na nagkaroon ng pagkontra ang ilang mga local government units sa San Jose del Monte, Bulacan na isa sa mga daanaan ng nasabing riles.

Dahil sa paglipat ng alignment at straktura ay maaring hindi matatapos ng hanggang 2025.

Tiniyak naman nito na nireresolba na ng kumpanya na nakakuha ng nasabing kontrata ang problema para maisakatuparan ang unang sinabi nila na magiging partial operational na ito sa 2027.

Nagsimula ang paggawa ng nasabing proyekto noon pang 2016 kung saan ito ay tatakbo ng 22 kilometro na mayroong 14 stations mula North Avenue sa Quezon City patungo sa San Jose Del Monte, Bulacan.