Nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong konstruksiyon na Sangley Airport sa Sangley Point Cavite.
Una nang target sana na tapusin ang Sangley Airport sa March 2020 pero inatasan ng Pangulo ang Department of Transportation (DOTr) na bilisan ang pagsasaayos nito noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Dahil dito ipinatupad naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang 24/7 construction upang magawa ng maaga ang P486 million Sangley Airport na alternatibong paliparan sa congested na NAIA.
Bilang panimula ang sinasabing ang airport ay gagamitin sa general aviation, cargo at sa mga turboprop flights mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Sa talumpati naman ng Pangulo sinabi nito na sa kanyang huling araw sa Malacanang, dito raw siya lilipad patungo at pabalik ng Davao City.
Ang Sangley Airport Development Project (SADP) ay kabilang sa mga programa ng Duterte administration na “Build, Build, Build” projects.
Samantala ang record time na 866 days sa pagpatayo sa Sangley Airport ay ipinagmalaki naman sa statement ng DOTr:
“In a bid to deliver one of the basket of solutions, the transportation chief envisioned the utilization of Sangley Airport as a means to help ease the congestion at Ninoy Aquino International Airport (NAIA). The said airport is a feasible option to provide general aviation and turboprop cargo operations. NAIA will be able to accommodate more commercial flights and will allow improvements through airport infrastructure developments and additions once these operations are taken out from the country’s main gateway.”