-- Advertisements --

VIGAN CITY – Oobserbahan pa umano ng provincial government ng Ilocos Sur kung magiging epektibo ang pagbubukas ng turismo sa Baguio City at ito ang gagamiting batayan bago mabuksan ang turismo sa lalawigan na ngayo’y hinihimay na ng mga opisyal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Vigan City Mayor Juan Carlo Medina, nakahanda ang syudad ng Vigan na isa sa mga lugar na dinadayo ng maraming turista kung sakali man na mabubuksan na ito sa publiko matapos ang ilang buwang pagsasara dahil sa epekto ng COVID19 pandemic at nakatitiyak ang bawat isa na masusunod ang mga protocol.

Ipinaliwanag ng alkalde na tatanggap lamang ang syudad sa mga turistang galing alamang s ibat-ibang lugar ng lalawigan upang mas mababa ang tyansa na lumaganap ang COVID19.

Maliban dyan, iginiit naman ni City Tourism Officer Edgar Dela Cruz na kung sakali mang mabuksan ang turismo sa syudad ay hanggang dalawang daang katao lamang bawat araw ang papayagang makapasok dahil limitado rin umano ang mga pasyalang mabubuksan na kinabibilangan lamang ng Syquia Mansion, Vigan City Heritage, Baluarte at ang Ilocos Sur Musical Dancing Fountain.