-- Advertisements --

VIGAN CITY – Inaasahang sa susunod na linggo pa lamang maiaanunsyo kung muli na namang mabubuksan ang sektor ng turismo sa Ilocos Sur kasabay ng pagsasailalim sa lalawigan sa modified general community quarantine (MGCQ).

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Provincial Board Member Gina Cordero, pag-aaralan pa lamang ng provincial government kung maaari na muling mabuksan ang mga pasyalan sa lalawigan para sa mga turistang darating.

Gayunman, hiniling na nila sa Department of Trade and Industry (DTI) na mapautangan ang mga small and medium enterprises at sa pamamagitan ng Nueva Segovia Consortium of Cooperatives na mamahala sa pitong bilyong pisong inilaan ni Gov. Ryan Singson upang matulongan silang ibangon ang kanilang negosyo.

Mula sa anim na porsyentong interest rate sa uutangin ng mga negosyante ay magiging apat na porsyento na lamang upang hind imaging mabigat sakanilang bayaran.