BAGUIO CITY – Matutuloy pa rin ang pagbubukas ng turismo sa siyudad ng Baguio sa darating na buwan ng Setyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Mayor Benjamin Magalong, sinabi niya na ang pagbubukas ng turismo sa siyudad ay may malaking maitutulong sa mga residente ng Baguio lalung-lalo na sa mga umaasa sa tourism industry ngayong panahon ng pandemya.
Ayon sa kanya, maraming mga tao ang makikinabang kung saan kasama dito ang mga maliliit na sektor gaya ng mbge vendors at tourist guide sa ibat ibang turismo sa siyudad.
Ipinaliwanag niya na huwag matakot ang mga residente sa pagpasok ng mga bisiya o turisya sa siyudad dahil mayroon mga sistema na dapat sundin nila bago sila payagan na pumasok sa siyudad.
Dagdag pa ng opisyal na mayroong mga health standard at guidlines na ipapatupad nila para maipasigurado ang kaligtasan lalung lalo na sa kalusugan ng mga residente kahit na mabubuksan ang turismo sa Baguio City.
Humingi naman ito ng pag-unawa at tiwala sa mga residente sa mga plano ng mga ito para sa siyudad dahil ginagawa nila ang lahat na makakaya nila para sa ikakaunlad ng ekonomiya ng Baguio City.