VIGAN CITY – Duda umano si political analyst Ramon Casiple kung seryoso si Presidente Rodrigo Duterte sa pagbubunyag nito na may isang presidential aspirant para sa 2022 elections na gumagamit ng cocaine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Casiple, kung mayroon din lamang naman siyang ebidenysa ay sana matagal na nitong pinahuli, may eleksyon man o wala.
Hindi aniya mapuntirya kung ang hakbang ng presidente ay para sa personal nitong interes o para sa kanyang anak na si Mayor Sara Duterte na tatakbong vice president sa parating na halalan.
Ayon din sa political analyst, ngayon Lamang umano ito nakakita ng isang opisyal na kagaya ng presidente.
Gayunman, idiniin nito na kung alam Naman sana ng presidente na iligal ang ginagawa ng tinutukoy nitong presidential aspirant ay noon pa lamang sana ay may aksyon na syang ginawa.