Sinusuportahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang panukalang isailalim sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pamamahala ng mga piitan mula sa provincial government.
Ang layunin nito ay ayusin ang hindi magkakatugmang sistema ng mga piitan sa bansa at gawing mas epektibo ang pamamahala. Itinataguyod ng CHR ang House Bills 1352 at 4593 upang masiguro ang makatao at maayos na kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Sa ilalim ng BJMP, magkakaroon ng pamantayan sa polisiya at mas mahusay na serbisyo, kabilang ang rehabilitasyon ng mga PDL.
Suhestiyon din ng CHR ang pagbibigay ng suporta sa mga tauhan ng provincial jails at paglikha ng espesyal na oversight committee.
Naniniwala ang CHR na sa sentralisadong pamamahala, mas magiging makatao at epektibo ang sistema ng mga piitan sa bansa.
Ang mga pagbabago ay alinsunod sa pandaigdigang alituntunin ukol sa karapatang pantao sa mga pasilidad ng detensyon.