Hindi inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na masundan pa ang naitalang pagbuga ng abo kaninang umaga sa Taal volcano sa Batangas.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum sa panayam ng Bombo Radyo, tuloy-tuloy ang paglabas ng usok dahil sa steam ng bulkan at tila nabarahan ang singawan nito kaya nagkaroon ng pagbuga ng abo.
Bunsod nito, nananatili ang tyansa na magkaroon pa ng mas malakas na pagsabog, anumang araw at anumang oras.
Isa sa palatandaan bago ang volcanic eruption ay ang rumbling sound.
Pero ang pagitan umano ng tunog na iyon at ang actual na pagsabog ay magkalapit lamang, kaya mahihirapan nang makaalis ang mga tao, kung sila ay nasa loob ng danger zone.
“Yung tunog o rumbling sound, senyales ‘yun ng patuloy ang volcanic activity. Kaya hindi talaga pwedeng lumapit na pasok sa 14 km danger zone,” wika ni Solidum sa panayam ng Bombo Radyo.