Hinikayat ng isang beteranong mambabatas mula sa Mindanao ang pamahalaan para buhayin ang child protection committees (CPC) sa mga paaralan sa buong bansa para maprotektahan ang mga bata mula sa anumang uri ng pang-aabuso.
Inihayag ito ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kasunod ng reports ng pang-aabuso umano na naganap sa Philippine High School for the Arts.
Inalala ng mambabatas na si dating education Secretary Jesli Lapus na nagsilbi noong rehimen ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ipinag-utos nito ang pagbuo ng Child Protection Committees sa bawat paaralan para matiyak ang ligtas na lugar para sa learning ng mga bata.
Sa ilalim ng inisyung Department Order 42, ini-adopt ng DepEd ang polisiya nito at guidelines sa pagprotekta sa mga bata sa paaralan mula sa pang-aabuso, karahasan, expoitation, diskriminasyon, pambu-bully at iba pang uri ng pang-aabuso.
Ang CPC ay binubuo ng anim na miyembro ito ang school head nilang chairperson; guidance counselor/teacher bilang vice chairperson; representative ng mga gurona itinalaga ng faculty club; representative ng mga magulang na napili ng Parents-Teachers Association; representative nga mga estudyante na pinangalanan ng Supreme Student Council; at community representative na itinalaga ng barangay head, na dapat ay miyembro ng barangay council for the protection of children.