Nilinaw ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na kanilang napaunlakan ang biglang pagbuhos ng kanilang mga miyembro nitong nakaraang linggo.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio said, walang hindi naasikaso na mga transacting members sa ilang SSS branches sa Metro Manila partikular sa Diliman sa Quezon City.
Nabatid na personal na nagtungo sa iba’t ibang branch ng SSS ang mga miyembro nito para sa kanilang claims matapos inilagay na ng pamahalaan sa Alert Level 1 ang sitwasyon ng bansa sa gitna ng pandemya.
“We have accommodated all the transacting members who flocked in several of our SSS branches. We are in 100% operation capacity since all our employees are reporting in the office,” wika ni Ignacio.
Una nang tiniyak ni Ignacio na patuloy nilang imo-monitor ang ngayo’y inaasahan nang pagbuhos pa ng SSS members at pag-aaralan kung kailangang palawigin ang oras ng kanilang serbisyo gaya ng pagbukas ng operasyon kahit tuwing Sabado.
Kasabay nito ay muling nanawagan ang SSS sa kanilang mga miyembro at claimants na subukan ding magpasa ng kanilang aplikasyon sa online facilities tulad ng My.SSS at SSS Mobile App.