-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Mas maraming Russian at Uzbekistan tourists ang inaasahang bibisita sa Isla ng Boracay sa mga huling buwan ng taon o sa unang buwan nga susunod na taon matapos na nagpaabot ng interes ang isang airline company na magkaroon ng direct flight mula sa naturang mga bansa papunta sa Kalibo International Airport.

Ayon kay Engr. John William Fuerte, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan manager na nakatanggap siya ng letter of inquiry noong nakaraang lingo kaugnay dito.

Kumpiyansa ang CAAP na makahikayat pa ang pamahalaan ng mga turista mula sa Uzbekistan na bibisita sa Pilipinas partikular sa Boracay kasunod ng pagluwag ng mga travel restrictions.

Dagdag pa ni Engr. Fuerte na bago ang pandemya ay marami nang mga Russian tourist na nagbabakasyon sa Boracay lalo na kung winter season sa kanilang bansa upang takas an ang sobrang lamig ng panahon.

Sa kabilang daku, nananatiling ang mga Koreanong turista ang may pinakamarami at nangunguna ngayon sa mga bisitang dayuhan sa isla kasunod ang China dahil sa mga direct flights.