-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Inaasahan na ng Malay Tourism Office ang lalo pang pagbuhos ng mga turista sa Isla ng Boracay sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Malay tourism officer Felix delos Santos, ngayon pa lamang ay buhos na ang mga domestic tourists na karamihan ay nagmula sa National Capital Region (NCR) at Western Visayas.

Batay sa kanilang datos, simula Disyembre 1 hanggang 5, ang tourist arrivals ay umabot na sa 15,601 o may average na 2,500 hanggang 3,600 na turista bawat araw.

Dagdag pa nito na noong buwan ng Nobyembre, nakapagtala ng pinakamataas na tourist arrival sa isla ngayong may pandemya na umabot sa 67,000.

Maliban sa pagsunod sa health and safety protocol, tinututukan rin nila ngayon at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno ang pangangalaga sa paligid upang maingatan at mapanatili ang kalinisan ngayong naibalik na sa normal ang dating ganda ng Boracay.