KALIBO, Aklan—Pinaghahandaan na ng Malay Tourism Office ang La Boracay na may mga regulated activities na inaasahang hahakot ng maraming turista at bakasyunista.
Ayon kay Malay Tourism Officer Mr. Felix Delos Santos, ang nasabing event ay hindi katulad ng mga nakaraang taon mula nang pansamantalang ipinasara ang isla ng Boracay para sa rehabilitasyon noong 2018, lahat ng mga aktibidad ay nakapokus sa environment concern kung kaya’t ang La Boracay ngayong taon kahit na may mga beach party ay nariyan pa rin ang pag-alaga sa environment.
Ito ay karaniwan na ginaganap tuwing Mayo 1 kaya inaasahan ang libo-libong influx ng mga turista lalo na’t kasalukuyang nararanasan ang maalinsangan at mainit na panahon dulot ng El Niño phenomenon.
Dagdag pa ni Mr. Delos Santos na nangunguna parin sa listahan ng tourist arrival sa Boracay ang mga Korean tourist; sumunod ang Chinese, European at iba pang lahi.