-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Inaasahan na ng pamunuan ng Kalibo International Airport (KIA) sa Aklan ang pagbuhos ng mga pasahero simula ngayong araw.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate Jr., kasunod ito ng pagdeklara ng Malakanyang na half day na lamang ang trabaho sa opisina sa lahat ng ahensya ng gobyerno upang mabigyan ang mga ito ng sapat na panahon upang makapaghanda para sa Todos los Santos.

Kaugnay nito, mas lalo aniya nilang pinaigting ang seguridad sa paliparan sa pamamagitan ng pagdagdag ng security personnel para sa kaligtasan ng mga biyahero.

Sa kasalukuyan, isa ang KIA sa mga pinaka-abalang paliparan sa buong bansa na may average na 30 international at siyam na domestic flights araw-araw.