VIGAN CITY – Pinag-aaralan na ng Abra provincial government kung bubukasan na nila sa Oktubre 1 ang turismo sa mga non-residents ng lalawigan at kung ano ang mga prosesong kinakailangang maipatupad upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa kontra sa banta ng COVID19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Gov. Joy Bernos, kung sakali man umanong mapapahintulutan ang mga residente sa mga ibang lugar ay kinakailangang mayroon silang maipapakitang medical certificate at ang resulta ng kanilang COVID-19 testing.
Sa ngayon, mga residente pa lamang sa Abra ang pinapahintulotang makapunta sa mg iba’t ibang pasyalan sa probinsya.
Maliban dito, ipinasiguro ni Bernos na makakasuhan ng sinumang lalabag sa mga quarantine protocols na ipinapatupad dahil sa dalawang bagong kaso ng Covid19 na naitala na ang mga pasyente ay kasapi ng Philippine National Police na parehong hindi nakipag-ugnayan sa mga local government units.