Inaabangan na ngayon ng mga scientists, eksperto at mga space enthusiasts ang tinaguriang detalyadong kuha ng larawan ng black hole sa outer space.
Kung sakali ito umano ang kikilalaning landmark achievement na pormal na ihahayag ng isang international scientific team mula sa U.S. National Science Foundation.
Gagawin ang kapanapanabik na anunsiyo, alas-9:00 ng Miyerkules ng gabi, oras sa Pilipinas.
Kabilang sa magsasalita ay ang astrophysicist na si Sheperd Doeleman, director ng Event Horizon Telescope ng Center for Astrophysics, Harvard & Smithsonian.
Dahil sa makasaysayan ang panibagong tuklas na ito sa larangan ng siyensya, magkakaroon din ng news conferences sa Washington, Brussels, Santiago, Shanghai, Taipei at Tokyo.
Ang binansagang “groundbreaking result†na pagsusuri na pinangunahan ng Event Horizon Telescope (EHT) project ay nagsimula mula pa noong taong 2012.
Masusi itong nag-obserba sa galaw ng black hole gamit ang iba’t ibang global network of telescopes.
Sinasabing ang black hole ay lugar na “point of no return.”
Kapag pumasok daw dito ang anumang mga bagay tulad ng stars, planets, gas, dust at maging mga “electromagnetic radiation” ay mistulang nilalamon at walang ng balikan pa.
Ang panibagong nadiskubreng black hole ay kaiba umano sa naunang pag-aaral dahil ang pinagtuunan ngayon ay ang tinaguriang supermassive black holes sa galaxy.
Meron na rin noon pa man na natukoy na black holes na ang isa ay pinangalanang Sagittarius A.
Ito ay nasa sentro raw ng Milky Way galaxy at taglay ang “4 million times the mass of our sun” at nasa layong 26,000 light years mula sa mundo.
Ang isang light year ay ang distansiya ng light sa isang taon (5.9 trillion miles (9.5 trillion km).
Ang ikalawang black hole ay tinawag namang M87, na nasa bahagi ng sentro ng kalapit na Virgo A galaxy sa kalawakan.
Taglay naman nito ang bigat na 3.5 billion times kumpara sa sun.
May layo ito sa 54 million light-years mula sa Earth.