Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng Bangsamoro Development Assistance Fund (BDAF) bilang pagsunod sa Tripartite Review Process ng 1996 Final Peace Agreement.
Ginawa ni Duterte ang kautusan kasabay ng pagtatalaga nito kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari bilang Special Economic Envoy on Islamic Affairs to the Organization of Islamic Cooperation (OIC).
Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang maayos ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa hakbang ng gobyerno para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo, hangad niyang makitang tahimik at mapayapa ang Mindanao bago pa siya bawian ng buhay.
Napag-alamang ang pagbuo ng BDAF at Tripartite Implementation Monitoring Committee (TIMC) ang dalawang commitment ng pamahalaan na hindi pa natutupad sa TRP kasabay ng pagtatapos nito noong 1996 sa Jeddah Saudi Arabia.
Ang TIMC ay ang komiteng mangangasiwa sa implementasyon Bangsamoro Development Assistance Fund.