-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Mahigpit na tinututulan ng mga negosyante ang panukalang batas na pagbuo ng Boracay Island Development Authority (BIDA) kagaya ng government-owned-and -controlled corporation (GOCC) na siyang mamamahala sa isla ng Boracay at Barangay Caticlan, Malay, Aklan.

Ayon kay Ms. Cris Cahilig ng Natives of Boracay and Business Stakeholders, Inc. ang pag-apruba ng Committees on Enterprises at Privatization and on Local Government ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa naturang substitute bill ay hayagang pagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga mamamayan ng Malay.

Paglabag aniya ito sa local government code of 1991 dahil sa pag-take-over sa executive at legislative power.

Kagaya ng isang korporasyon, ang magpapasya ay mga board of directors kung saan posibleng mawala ang check and balance.

Nangangamba rin sila na mawala ang kanilang karapatan sa lupaing minanana sa kanilang mga ninuno.

Sakaling maaprubahan, ang BIDA bilang isang GOCC ang mamamahala sa Boracay sa loob ng 50 taon.

Ang panukalang batas ay nakatakdang isailalim sa deliberasyon sa plenaryo ng Kongreso.