Isinusulong ngayon ni ACT CIS Party-list Rep. Nina Taduran ang panukalang batas na tutulong sa mga kawani ng media sa pagpapabuti sa kanilang katayuan.
Nitong araw ay inihain nina Taduran, kasama si Presidential Task Force on Media Security executive director Joel Egco, ang panukalang batas na layong magtatag ng Commission on Media Workers.
Target ng ahensya na ito na mabigyan ng sapat na atensyon ang mga pangangailangan ng mga kawani ng media katulad na lamang nang pagtitiyak na naibibigay ng husto ang kanilang mga benepisyo.
Sinabi ni Egco na isa sa mga “contributing factor” sa media violence ay ang tinatawag na economic vulnerabilities ng media dahil karamihan aniya sa mga ito ay kung hindi man mababa ang sahod at wala talagang natatanggap na suweldo at benepisyo.
Sa pamamagitan daw ng panukalang ito, mapagpapabuti ang katayuan ng mga kawani ng media at mabigyan din aniya ng dignidad ang nasabing propesyon.