LEGAZPI CITY — Inihain muli ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang House Bill 6075 o “An Act creating the Department of Disaster Resilience” para sa 18th Congress.
Ayon kay Manuel Rangasa, chairman ng Local Climate Change Adaptation for Development (LCCAD) sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ito’y sa kabila ng pagpasa ng panukala sa third and final reading ng 17th Congress at hinihintay ang counterpart sa Senado.
Paliwanag ng opisyal, marami ang naihaing panukala sa Kongreso at pinag-isa na ang mga ito matapos ang ginawang konsultasyon.
Napag-alamang mula sa dating 70% at 30%, naging 80% ang operations at 20% ang quick response upang ma-address ang lahat ng gap at mabigyan ng full power ang mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng disaster resiliency plan.
Binigyang-diin ni Rangasa na third most vulnerable country ang Pilipinas sa mga kalamidad sa buong mundo kung kaya inirerekomenda sa national government ang pagtayo ng national risk assesment system upang magkaroon din ng vulnerabilty risk assesment system ang bawat lalawigan.