-- Advertisements --
BAGUIO CITY-Iminungkahi ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Cordillera ang pagbuo ng mga barangay officials ng mga fire brigade sa kani-kanilang mga barangay.
Ayon kay BFP-Cordillera Regional Director Maria Sofia Mendoza, sa pamamagitan nito ay mayroong agad magreresponde kapag may mga insidente ng sunog.
Naging rekomendasyon ito ng BFP dahil sa sunod-sunod na forest fire na nangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera.
Sinabi pa ni Mendoza na ang mga fire brigade ang magpapanatili sa mga ginawang fire lines sa mga kabundukan at mga kagubatan.
Tiniyak pa ng opisyal na isasailalim sa regular na pag-eensayo ang mga fire brigade sa pamamagitan ng BFP.