-- Advertisements --
JV EJERCITO

Nangako si Senador JV Ejercito na kanyang uunahin ang pagpapatuloy ng mga pangunahing infrastructure program sa bansa, kahit na may pagpapalit ng liderato sa pamahalaan.

Binigyang diin ni Ejercito ang kahalagahan ng pagbuo ng malinaw na roadmap para sa continuity at sustainability ng mga infrastructure project ng gobyerno.

Isinusulong ng Senador ang pagbuo at institusyonalisasyon ng komprehensibong masterplan for infrastructure development para makamit ang economic growth trajectory.

Ang masterplan nito ay magsisilbing blueprint para sa iba’t ibang departamento ng gobyerno sa construction, upgrading, at improvement ng lahat ng infrastructure projects sa bansa.

Saklaw ng naturang plano, na bubuuhin ng National Economic and Development Authority (NEDA) at tututukan ng isang Joint Congressional Oversight Committee, ang maraming areas of development tulad ng transportation at logistics, energy, water resources, information atcommunications technology, social infrastructure, agri-fisheries modernization and food logistics, asset preservation at maintenance strategies.

Sa pinakabagong Global Competitiveness Report, ang Pilipinas ay pang-102 sa 141 bansa sa mundo pagdating sa transport infrastructure.

Sa mga bansa Asya, ang Pilipinas ang nakatanggap ng lowest rated railway service, kung saan pang86 ito sa 101 mga bansa.

Pagdating sa foreign direct investments, nahuhuli din ang bansa pagdating sa infrastructure development, kung saan nalagpasan pa ng Vietnam ang Pilipinas.

Inuugnay ang pagbaba sa dalawang pangunahing dahilan: ang mataas na halaga ng enerhiya at ang kakulangan sa infrastructure development.

Samantala, inaprubahan na sa ikatlong pagbasa sa plenaryo ang Senate Bill No. 2233 o Public-Private Partnership Act, na iniakda at inisponsoran ni Ejercito. Nakatakada ang bicameral discussion sa Martes, Setyembre 26.

Umaasa din ang senador na mararatipikahan ang panukala sa Miyerkules, Setyembre 27, bago ang session break ng Senado.