-- Advertisements --

Itinutulak ngayon ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “L-Ray” Villafuerte Jr. ang pagkakaroon ng plasma banks sa lahat ng mga pampubliko at pribadong ospital kung saan maaaring makakuha at mag-imbak ng plasma.

Inihain ni Villafuerte ang House Bill No. 8339 na naglalayong isulong ang pag-donate at koleksyon ng plasma para sa mga pasyenteng may COVID-19.

“While the Philippines is still arranging the roll out of COVID-19 vaccines for Filipinos, the virus remains a threat to lives and heath of our people. For the time being, the convalescent plasma therapy, a treatment which uses the antibodies of coronavirus survivors to boost the immune systems of those critically ill may aid in our fight against COVID-19,” saad ni Villafuerte.

Paliwanag ng mambabatas, lumalabas sa ilang mga pag-aaral na maaaring magamit ang convalescent plasma bilang treatment para sa mga coronavirus patients na nasa kritikal na kondisyon.

Iminungkahi ni Villafuerte na isang taon matapos ipatupad ang nasabing panukalang batas, dapat nang magkaroon ang lahat ng mga pagamutan sa bansa ng pasilidad kung saan puwedeng paglagyan ng mga plasma.

Lahat din aniya ng plasma banks ay dapat na siguruhing lahat ng mga plasma at iba pang blood products na nakolekta ay nalagyan ng maayos na label, at dumaan sa masusing pagsusuri, batay sa umiiral na mga panuntunan.