Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga LGUs na magorganisa ng kanilang Local Government Transition Teams (LGTT) ng hindi lagpas sa Abril 7 para matiyak ang smooth transition bago ang nalalapit na halalan.
Sa bisa ng MC No 2022-029, ang transition teams na ito ang siyang titiyak na ligtas na maituturn-over ang records at dokumento ng LGUs sa susunod na mahalal na local officials sa June 30.
Ito ay para masiguro na din na maproprotektahan ang assets ng LGU sa panahon ng halalan ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing.
Saad pa ni Densing na dapat ang mga local governance transition team ay dapat na magsagawa ng inevntory sa ari-arian ng LGU kabilang ang mga gusali, lupa, imprstruktura at machinery gayundin ang mga movable properties ng lokal na gobyerno gaya ng sasakyan, office equipment , furniture , fistures at office supply stocks.
Tungkulin din ng transition team na makalap at masecuer at mapreserve ang lahat ng official documents o records ng official transaction ng LGU at turnover accountabilities.
Dapat din na magorganisa ang transition team ng turnover ceremony para sa mga incoming local officials.