BUTUAN CITY – Isinusulong ngayon ng mga gang leaders ng pinagka-isang grupo na, ng mga gangsters sa Haiti na tinatawag na “G9 Family and Associates”, ang pagbuo na ng transitional council.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent in Haiti Fr. Adrian Louie Zambo Atonducan, na patuloy pa rin ang gang war sa capital Port-au-Prince dahil nais na nilang magtakda kaagad ng eleksyon ngayong taon ang mabubuong konseho.
Sa ngayo’y inaatake na ng “G9 Family and Associates” na pinangungunahan ni Jimmy Ceresier na kilala din sa tawag na Barbecue, ang kabahayan dahil nais umano nilang makontrola ang mga zones o mga central points ng Port-au-Prince lalo na’t may iilang bahagi na dito ang nakuha na nila sanhi na hindi na makakalusot ang mga food aid.