Binigyang-diin ng Palasyo ng Malakanyang na ang tunay na sukatan ng pampublikong serbisyo ay kung napapabuti ang buhay ng mamamayan.
Ito ang ipinahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa gitna ng pinakahuling sws survey na nagsasabing 59 na porsiyento ng mga Pilipino ay nagsabing kuntento sila sa Marcos administration.
Ang survey ayon kay Bersamin ay nagsisilbing panukat ng opinyon ng publiko pati na ng suporta sa MGA polisiyang inilalatag ng pamahalaan.
Ganunpaman, ang nais aniya nila ay maramdaman ng mamamayan ang epekto ng kanilang mga pagsisikap at masusukat ito kung bumubuti Ang Buhay ng mga Pilipino.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bersamin sa aniya’y positibong resulta ng survey na dito ay lumabas na kuntento ang
Marami sa ginagawang pagtugon ng administrasyon sa mga kalamidad at sakuna, pagbibigay ng edukasyon, at pagsisikap na maiangat ang buhay ng mahihirap at makapagbigay ng trabaho sa lahat ng manggagawa.