-- Advertisements --

Suportado ng Military Ordinariate of the Philippines ang hakbang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buwagin ang mga private armies sa bansa.

Ito ay kasunod na rin ng insidente ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na mariin ding kinondena ng organisasyon.

Sa isang statement, sinabi ni Military Ordinariate Chancellor Harley Flores makakatulong ang hakbang na ito upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

Aniya, ang mga private armies at illegal firearms ay isang banta sa kaayusan at seguridad ng mga komunidad kung saan nag-ooperate ang mga ito.

Kung kayat responsibilidad aniya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang aksiyon para buwagin ang mga grupong ito at kumpiskahin ang kanilang mga armas.