-- Advertisements --
Gagawin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang lahat ng makakaya para mahigpit na ipatupad ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tuluyang pag-alis ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay PAGCOR chairman at chief executive officer Alejandro Tengco na kanilang pag-aaralang kung paano mahigpit na ipapatupad ang nasabing kautusan.
Kakausapin niya ang ilang mga legal na POGO na hanggang sa katapusan ng taon lamang sila para sila ay tuluyang magsara.
Pagtitiyak ng kalihim na pagdating ng 2025 ay wala ng mag-ooperate ng internet gaming sa bansa.