-- Advertisements --

Kinumpirma ng PAGCOR na bineberipika na nila ang impormasyon hinggil sa umano’y dating hepe ng Pambansang Pulisya na tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makalabas ng bansa.

Sa kabila ito ng ipinataw na hold departure order laban sa dating alkalde.

Ginawa ni PAGCOR official Raul Villanueva ang naturang kumpirmasyon sa isinagawang pagdinig ngayong araw sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Ito kasi ang naging sentro ng katanungan ni Senator Risa Hontiveros sa opisyal ng PAGCOR.

Tinanong ng senadora kung may posibilidad na mayroong government officials ang tumulong kay Alice Guo at sa kasamahan nito na tumakas ng bansa kalapit ng malaking halaga.

Binanggit rin ni Villanueva na ilang high-ranking immigration official umano ang posible ring sangkot batay sa nakalap ng kanilang intel.