-- Advertisements --

Binigyang diin ng Philippine Amusement and Gaming Corp. na ang tunay na banta sa national security ay mula sa foreign hacking at scam syndicates at hindi ang lehitimo at lisensyadong offshore gaming operations sa ating bansa.

Giit ni PAGCOR chairman and chief executive officer Alejandro Tengco, nakatulong ang lehitimong Internet Gaming Licenses sa pagpondo sa pamahalaan, na nakapag-ambag ng mahigit P5 bilyon sa gross revenues ng ahensya noong 2023.

Kaya panawagan nila na huwag pagbuntunan ng galit ang mga lehitimong POGO dahil nagbabayad umano ang mga ito ng buwis sa gobyerno at nakapagbibigay ng trabaho sa maraming tao.

Tiniyak din niya na mahigpit nilang tinututukan ang mga POGO na nasa ilalim ng kanilang ahensya.

Mababatid na sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na maraming negosyong naghahayag na POGO ang mga ito subalit hindi tunay na POGOs.