-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na halos domoble sa P10-bilyon ang kanilang kita.

Ang nasabing halaga ay mula lamang sa buwan ng Enero hanggang Setyembre at ito ay galing sa mga electronic games sectors.

Ayon sa datos ng PAGCOR na umakyat ng 98.5 percent mula sa P9.63-B na kumpara sa P4.85-B sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Sa nasabing halaga ay 40 percent sa mga ito o katumbas ng P28.22 bilyon ay mula sa mga online gaming sector kabilang ang mga e-games, e-bingo at mga bingo grantees.

Tiwala naman ni si PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco, na kaya nilang maabot ang revenue target na P100-B.