-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na kanilang nahigitan ang kanilang target na revenues noong 2024.

Ayon sa PAGCOR na mayroong P16.77 bilyon ang naitalang net income na ito ay mas doble noong 2023 na mayroon P6.81-B.

Isa sa mga naging susi aniya sa pagtaas ng kita ay ang magandang performances na kanilang electronic gaming sector.

Nanguna din ang gaming operations at license fee na pinagmulan ng revenue ng PAGCOR na umabot sa P97.52-B habang ang business income at service fees ay mayroong P14.18-B.

Ito na aniya ang pangalawang pagkakataon na nalagpasan ang P100-bilyon na kita na ang una ay noong 2018 na umabot sa P104.12-B dahil sa one-time sale ng ari-arian na nagkakahalaga ng P32.71-B.