-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na mahigit doble ang kanilang net income sa unang anim na buwan ng 2024.
Ayon sa PAGCOR na umakyat ng 121.48% o P6.56 bilyon ang kita nila mula sa dating P2.96-B sa parehas na buwan ng 2023.
Maging ang gross gaming revenue (GGR) ay umakyat ng 19.21 percent o katumbas ng 194.743 bilyon at ang gross revenues increas ng 42.92percent o katumbas ng P51.76 bilyon.
Ayon kay PAGCOR chairman and chief executive officer Alejandro Tengco na ang phenomenal revenue ay tumaas sa E-Games sectors kung saan dumami ang mga manlalaro at investors na nagkainterest na magpasok sa bansa.