-- Advertisements --

Plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na makig-ugnayan sa mga iba’t-ibang electronics wallet companies para matugunan ang pagiging sugapa ng isang indibidwal sa mga online gambling.

Ayon kay assistant vice president for Gaming Licensing and Development Department Vina Ocam, na mayroon na silang inisyal na pag-uusap sa mga e-wallet companies ukol sa nasabing usapin.

Mayroon rin silang programa na inilunsad noon para makontrol ang pagigign sugapa sa sugal kung saan maaring mag-sumbong ang kamag-anak nila para sila ay ma-block sa nasabing online gambling.

Una hindi ikinaila ng PAGCOR na marami silang natanggap na ulat na dumami ang bilang ng mga naging sugapa sa mga online gambling.