-- Advertisements --
Nababahala ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na baka masobrahang masingil ang mga Philippine offshore gaming operators (Pogo) firms at ang kanilang mga dayuhang manggagawa.
Sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo, na mula 2016 hanggang 2018 ay mayroon ng kabuuang P11.9 billion.
Sa loob aniya ng dalawang ay gumawa ng paraan ang gobyerno para makapanghikayat ng mas maraming POGO firms.
Pinuri naman nito ang hakbang ng Bureau of Internal Revenues (BIR) na pag-uutos sa mga manggagawang dayuhan na kumuha ng mga visas, work permits at tax identification numbers (TIN) bago sila makapagtrabaho sa bansa.