-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa paglaganap ng mga scammers.

Ayon sa ahensiya na mayroong nagpapanggap bilang si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco at President , COO Wilma Eisma.

Gumagamit umano ang mga ito ng numero na “maliciously registered” sa pangalan ng kanilang opisyal.

Panawagan ng PAGCOR sa publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina at sa ibang ahensiya para matigil ang nasa likod ng panloloko.