-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) sa publiko sa pagkalat ng mga iligal na Bingo games sa Facebook.

Sinabi ng PAGCOR na dapat huwag itong tangkilikin dahil maaaring manakaw nila ang ilang mga personal impormasyon ng isang tao.
Isa ring maituturing na krimen ang pagsasagawa ng sugal.

Sinulatan na ni PAGCOR legal counsel Roderick Consolacion ang Facebook Philippines dahil sa ginagamit ang kanilang platform para sa nasabing iligal na online game.

Nagbunsod ang panawagan matapos ang pagkalat ng maraming mga online bingo sa mga social media.