Hindi na kailangang mag-alala ang mga atleta na naghahanda para sa 32nd Southeast Asian Games sa kanilang pagsasanay matapos makatanggap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng PHP256.38 milyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).
Ang halaga ay kumakatawan sa mandated na kontribusyon sa Philippine Sports Commission para sa Nobyembre na P124.45 milyon at Disyembre na P131.93 milyon noong nakaraang taon.
Personal na iniabot ng chairman at CEO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation Alejandro Tengco ang mga tseke sa bagong hinirang na Chairman na si Richard Bachmann sa Pagcor Executive Office sa Maynila.
Labis na tuwa ang naramdaman ni Bachmann dahil malaki umano ang magiging tulong ng halagang ito para sa mga proyekto at atletang naghahanda para sa 32nd Southeast Asian games.
Una na rito, ang Cambodia SEA Games ay gaganapin sa Phnom Penh mula Mayo 5 hanggang 17 ng kasalukuyang taon.