-- Advertisements --

Nanawagan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa publiko na idulog sa kanila ang mga nagpapatakbo ng online sabong na maaaring makataya ang mga nasa ibang bansa.

Nakarating kasi sa PAGCOR ang impormasyon na may mga oversease Filipino workers (OFW) ang nalululon na sa nasabing sugal.

Iginiit ng ahensiya na pinagbabawal pa rin ang mga pagtaya mula sa ibang bansa kahit na sila ay Filipino rin.

Mahigpit kasi pinagbabawalan ng ahensiya ang mga online-sabong operator na tumanggap ng taya sa ibang bansa at dapat ay hindi rin accessible sa ibang bansa.

Nakatakda nilang pagsumitihin ang mga online-sabong operators ng certification na hindi sila lumalabag sa ipinapatupad nilang panuntunan ukol sa pagpapataya sa ibang bansa.