Binigyang diin ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro Tengco na hindi dapat basta isara ang lahat ng gaming hub sa bansa, dahil lamang sa mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Tengco, mayroon namang mga tinatawag na internet gaming licensee na sumusunod sa batas, nagbibigay ng kita sa gobyerno at nagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.
Bukod aniya sa ambag sa buwis, nakakapagtrabaho rin dito ang mga Pinoy na security personnel, food suppliers at maraming iba pa.
Kaya hiling niya ay huwag sanang maging padalos-dalos ang aksyon sa mga gaming hub at sa halip ay higpitan lamang ang pagbabantay laban sa mga illegal activities.
Para sa ilang mambabatas, mas malaking ang problemang dala ng POGO kaysa sa sinasabi ng Pagcor na benepisyo.