Nagpaliwanag ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos umalma ang Chinese Embassy sa planong paglilipat sa hiwalay na lugar ng Chinese workers na nagta-trabaho sa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa isang panayam sinabi ni PAGCOR chair Andrea Domingo na may benepisyo pa ring matatanggap ang Chinese online gaming workers kahit pa ihiwalay ang mga ito mula sa mga Pilipinong manggagawa.
Katunayan, pabor pa umano para sa foreign workers ang kanilang hakbang dahil mas magkakaroon ng proteksyon ang mga ito sa lilipatang “self-contained communities” dahil kumpleto ito ng mga establisyemento.
Nilinaw din ni Domingo na hindi lilimitahan sa ibang lugar ang Chinese workers, gayundin na hindi haharangin ang kanilang karapatan bilang dayuhan.
Batay sa statement na inilabas ng Embahada, isinisi ng tanggapan sa Pilipinas kung bakit maraming illegal Chinese workers sa estado.
“According to the Chinese laws and regulations, any form of gambling by Chinese citizens, including online-gambling, gambling overseas, opening casinos overseas to attract citizens of China as primary customers, is illegal.”
“A large number of Chinese citizens have been illegally recruited and hired in the Philippine gambling industry. In many cases, the employers og Philippine casinos, POGOs and other forms of gambling entities do not apply necessary legal work permits for their Chinese employees. Some Chinese citizens are even lured into and cheated to work illegally with only tourist visas.”
Tila inakit daw kasi ng gaming industy ng bansa ang mga Chinese dahil iligal ang pagsusugal sa kanila.
May mga kaso rin umano ng pagmamaltrato ng Pinoy employers sa mga Chinese workers.
Una ng sinabi ng PAGCOR na ang kanilang hakbang ay sanhi ng mga ulat laban sa ilang Chinese workers na hindi umano maganda ang pakikitungo sa mga Pilipino.