-- Advertisements --

Plano ngayon ng Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) na maglabas ng regulations para maging legal na ang mga online sabong.

Sinabi ni PAGCOR chief Andrea Domingo, sa nasabing paraan ay madadagdagan pa ang kita ng gobyerno.

Ilan sa mga posibleng panuntunan ay dapat kumuha ng kaukulang permit ang mga operators sa local government units.

Ang nasabing hakbang ay dahil maraming mga iligal na e-sabong naglipana matapos na tuluyang pagbawalan ng gobyerno ang mga nagaganap na sabong mula ng ipatupad ang lockdown.