-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Philippine amusement and gaming corporation ang pagpapasara sa mahigit 7,700 mga ilegal na online gaming websites sa bansa.

Ayon kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco,  simula ng maupo siya sa pwesto , naireport na nila ang aabot sa 7,747 na illegal operators ng mga online game sa mga kinauukulan.

Sinabi pa ng ahensya na lahat ng mga illegal online gaming sites sa bansa ay minomonitor nila mula pa noong 2022.

Kabilang sa kanilang tinututukan ay ang mga mga e-sabong, Facebook ads, mobile applications, offshore sites .

Mula sa mahigit 7k na ilegal na pasugalan online, aabot sa 5,793 o katumbas ng 74.78  ang tuluyan nang na blocked.

Aabot rin sa 1,954 na illegal online gaming websites  ang nananatiling aktibo at patuloy na nag ooperate.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng  PAGCOR sa mga mobile payment app  para hindi na payagan ang mga ito na makagamit ng kanilang aplikasyon.