-- Advertisements --
Nilinaw ng US Navy ang pagdaan malapit sa pinagtatalunang Spratly Islands ng kanilang barko na USS Preble (DDG 88), isang Arleigh Burke-class destroyer.
Sa isang statement, sinabi ng US Navy na pinapairal lamang nito ang kanilang karapatan at kalayaan sa paglalayag alinsunod sa international law.
Sinabi din ng US Navy na ang pagdaan ng USS Preble ay hinahamon ang mga restriksiyon sa innocent passage na ipinataw ng People’s Republic of China, Taiwan at Vietnam na mayroong claims sa Spratly Islands.
Kaugnay nito, nanawagan ang US Navy ng unilateral imposition ng anumang awtorisasyon o paunang notification requirement para sa lehitimong pagdaan sa naturang isla.