Minaliit lamang ni dating Presidential spokesman Atty. Harry Roque ang mga rebelasyon ng ilang testigo sa Quad Committee hearing na nagdadawit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa insidente ng pagpatay.
Matatandaang sa salaysay ni Leopoldo Untalan Tan Jr., isinangkot nito sa krimen ang pangalan ni dating Pangulong Duterte.
Ito ay kaugnay sa pagpaslang sa tatlong Chinese national na utos umano ng dating presidente na narinig niya sa pag-uusap sa telepono ni Superintendent Gerardo Padilla at ng umano’y ka-boses ng dating presidente.
Ayon kay Roque, ang kumpisal ng isang tao ay naglalagay lamang sa kaniyang sarili sa sitwasyong inaamin niya ang isang pangyayari, ngunit wala naman itong binding sa third party na kaniyang idinadamay lamang.
“Res inter alios acta. Confessions bind only confessants and not third parties. No probative value as to third parties such as FPRRD. Confessions in Congress now as to murder of three Chinese nationals should lead to conviction of those who testified but with absolutely no probative values as to the former President”
ATTY. HARRY ROQUE
Wala din umanong bigat ang mga pahayag ng mga ito laban sa dating presidente, kundi ibinaon lamang ng resource person ang kaniyang sarili sa pag-amin ng naturang krimen.