GENERAL SANTOS CITY – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology-Gensan ang pagbawi ng unang inilabas na magnitude 7.1 na lindol tumama sa Balut Island sa Sarangani Davao Occidental at pinalitan ito ng magnitude 6.7 na lindol.
Ayon kay Nane Danlag, Officer-in-charge ng Phivolcs GenSan na ang magnitude 7.1 ang resulta ng automatic solution mula sa seismograph habang ang magnitude 6.7 ay may ‘human intervention’ na kung saan ito ang ensaktong impormasyon na ilalabas para sa lahat ang kanilang field offices sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Danlag na walang koneksyon ang pagdagsa ng maraming isang lupoy sa Tinoto Maasim Sarangani Province sa nangyaring lindol kaninang madaling araw.
Ayon rito, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Department of Environment and Natural Resources ang makakapaliwanag ukol sa naturang phenomenon.
Aniya, sa ngayon umano ay wala anumang scientific evidences ukol dito at kung meron man ay pag-aaralan pa ito.