Iniimbestigahan ngayon ng National Security Council (NSC) ang napaulat na pagdagsa ng mga Chinese college students na napaulat na nag-enroll sa isang lokal na pribadong paaralan sa Cagayan.
Layon nitong matukoy kung ang kanilang presensya sa bansa ay banta sa seguridad.
Ayon kay National Security Council Assistant Director Jonathan Malaya na gumagalaw na ngayon ang kanilang intelligence units sa cagayan para alamin ang presensiya ng mga Chinese sa Cagayan ay banta sa seguridad.
Inihayag din ni Malaya na maraming mga isyu ang kanilang resolbahin hinggil sa presensiya ng mga Chinese students ang pag-uusapan.
Sinabi ni Malaya magkaiba ang bilang ng mga ito kumpara sa ulat ng Bureau of Immigration (BI).
Batay sa ulat ng BI nasa hundreds lamang ang mga ito pero sa ulat ng intelligence libo ang mga estudyanteng Chinese.
“So, this is something that is currently being investigated now. Even Congress will also do their investigation, but we have already taken a look at it,” pahayag ni Malaya.