-- Advertisements --
Posibleng makaapekto umano sa kaniyang kandidatura bilang reelectionist ang kapabayaan na ginawa ni US President Donald Trump matapos magpositibo sa coronavirus disease.
Hindi ikinatuwa ng ilang mamamayan ng Amerika ang umano’y iresponsableng gawain ng Republican President kahit pa nagkaroon ito ng coronavirus infection.
Ikinagalit ng ilang residente at experts ang ginawang paglabas ni Trump sa military hospital upang kumaway sa kaniyang mga supporters sa labas ng ospital.
Ikinadismaya rin ng ilang sumusubaybay sa White House ang ginawang pagtanggal ng US President sa kaniyang mask sa loob ng White House sa kanyang pagdatoing kahit hindi pa lubusang nakakarekober sa COVID-19. (with reports from Bombo Jane Buna)