-- Advertisements --

Isang welcome development para kay Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na handa siya humarap sa quad committee ng Kamara.

Ayon kay Abante, ang pagpapahayag ng dating pangulo ng intensyon na dumalo sa kanilang pag dinig ay malaking bagay na.

Sinabi ni Abante ang nasabing pahayag ay isang positibong intention mula sa dating pangulo.

Gayunpaman posibleng hindi pa kasama ang dating presidente sa mga iimbitahan sa gagawing pagdinig ng Quad Comm ngayong Biyernes.

Mayroon kasi aniyang ibang mga witness at resource person ang nakatakda nang humarap sa susunod na hearing.

Muli namang siniguro ni Abante na bibigyan ng kortesiya at respeto ang dating pangulo sakaling matukoy ang pagharap sa joint panel.